Funny Pinoy Jokes Classics

By The Mouse Potato | June 22, 2009

AddThis Feed Button   ADD A COMMENT BELOW  

Didn't find what you were looking for? Search here for more!
(Mali ba? Hindi ba ito gusto mo makita? I-type at hanapin dito!)



******
20 years ago

nagising si misis dis-oras ng gabi nang mapansin niyang wala sa tabi niya si mister. Nang binuksan ang ilaw nakita niya ang mister niyang umiiyak na nakaupo sa sahig.

Misis: honey, anong problema, may maitutulong ba ako

Mr.: naalala mo ba 20 years ago, nabuntis kita at tinakot ako ng tatay mo na dapat
pakasalan kita kundi ay ipakukulong ako?

Misis: Oo naman, bakit
Mr.: Waahh laya na sana ako ngayon
******************************

Isang barko ang lumubog at ilang pasahero ang sinuwerte na makasakay sa nag iisang life boat. Dahil
sa dami ng nakasakay sa life boat ay napilitan ang Kapitan ng barko na ipatapon ang kargada ng mga pasahero sa dagat.

Kapitan ng Barko: Itapon lahat ang mga kagamitan ninyo para huwag lumubog itong life boat.

Pari: San Jose, San Lucas, Sto. Nino!!..

Madre: Sta. Maria, Sta Fe, Sta Clara!!..

Intsik: Wakanga! Ano ba kayo? kita na tapon gamit sa dagat, kayo tawag pa
******************

Sinalubong ni misis si mister sa pinto, amoy na amoy ang beer sa hininga at meron marka ng lipstick sa pisngi.

Misis: hoy magaling na lalaki, meron sigurong magandang dahilan kaya ka inumaga ng uwi.

Mister: Hikh meron nga….. almusal
**********

Bisaya 1: ” Gara ng kutsi, siguro kay Miyur iyan.”!
Bisaya 2: ” Dili bay!”
Bisaya 1: ” Kay Hipi?”
Bisaya 2: ” Tuntu ka man. Kay FATHER iyan. Gisulat
niya sa likud o, “‘SAFARI’.”
***********

Nakasakay ka sa FX, ng ikaw ay mautot. Buti na lang
malakas ang tugtog. Bawat pag-utot, sabay sa tugtog.
Nang ikaw ay bumaba, ang sasama ng tingin nila sa
iyo, bigla mong naalala…naka Walkman ka pala!
*************

WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya “GO
TO HELL”, kaya ito uwi agad ako.
**********

Juan: bday ng asawa ko
Pedro: ano regalo mo?
Juan: tinanong ko kung ano gusto niya.
P: ano sinabi?
J: Kahit ano basta may DIAMOND.
P: ano binigay mo?
J: Baraha.
**********
Pedro: Galing ako sa doktor, nakabili na ko ng
hearing aid. Grabe! ang linaw na ng pandinig ko!

Juan: Talaga?! Magkano bili mo?
Pedro: Kahapon lang
*******

Titser: Tayo ay nagmula kay Adan at Eva
Pedro: Hindi totoo iyan, scientist ang tatay ko at galing daw tayo sa unggoy
Titser: Hindi ang pamilya mo pinag-uusapan natin dito
***********

Misis: Ling, sabi ng doktor huling gabi na daw ng buhay ko ngayon, mag-sex tayo
Mr: Pasensya ka na Ling, kelangan ko pang gumising ng maaga bukas, buti ikaw hindi na
***********
Killer 1: Sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?
Killer 2: Sigurado! mukhang atrasado yata dating niya ngayon ah, sana walang
masamang nangyari sa kanya
********





Funny Pinoy Jokes (inday, dodong, etc) H
O
M
E
Funny Programmer’s Pick Up Lines
  • hahaha... binokmark ko itong post mo para ipabasa sa mga kapatid ko bukas. nakakatawa talaga :))
    thanks!
  • salamat papi!
  • Feels good to laugh from time to time...
  • you said so... thanks!
blog comments powered by Disqus