Loading Page... Please wait! ^_^



Didn't find what you were looking for? Search here for more!
(Mali ba? Hindi ba ito gusto mo makita? I-type at hanapin dito!)

Funny: Si Pedro, Kulas, Juan at ang Engkantada

By The Mouse Potato | May 13, 2009

AddThis Feed Button     ADD COMMENT


Tatlong magkakaibigang Pedro, Kulas, at Juan ang dumayo sa isang gubat para kumuha nang mga prutas…

Sa dami nilang nakuhang lansones, atis, pakwan, suha, mangga, duhat, atbp… hindi nila maubos ang kanilang mga nakuha. Isang kagat at tinatapon nang mga ito ang mga naturing na mga prutas. Isang Enkantada ang nakapuna sa kanilang mga kabalbalan at nagpakita ito sa tatlo. Sa gulat nang tatlo, nabitiwan nila ang mga dalang prutas. Ito ang sabi nang Enkantada:

“Dahil sa inyong pagaaksaya nang mga bungang galing dito sa gubat, kayo ay paparusahan kong maging bagay na mahahawakan nyo ngayong araw; at mananatiling ganun sa loob nang tatlong araw!”

Sa takot ni Pedro, ito ay tumakbo at nabundol ang isang puno. POOF! Naging puno si Pedro!

Nakita ni Kulas ang nangyari kay Pedro kaya sa kanyang pagtakbo, iningatan nya ang mga puno, pero natisod ito sa isang ugat nang puno at nadapa. POOF! Naging lupa si Kulas!

Si Juan, nakitang pareho ang nangyari sa dalawang kaibigan at pinilit tumakbo ng maingat. Nakalabas ito sa gubat at nakarating sa kabihasnan…

Nakita sya nang kangyang ate at tinanong kung bakit sya tumatakbo parang nakakita nang multo. Ito ang sabi nang kanyang ate, “Juan! Ano ang nakain mo at sobrang tulin ang iyong takbo?”

“Ate! Ate! May isang Enkantada ang nagpakita sa aming magkaibigan at ginawang puno is Pedro at lupa si Kulas!” ang sigaw ni Juan.

Natawa sa sagot ni Juan ang kanyang nakatatandang kapatid, na ito ang sabi “Juan! Nananaginip ka na namang gising! Tumatakbo ka dahil sa iyong imahinasyon…”

May naamoy ang ate ni Juan, “Juan, meron kang naapakang mabaho!”

Sa lito ni Juan, kinapa at inamoy kung ano ang kanyang naapakan.

“Ay! Tae!”

POOF!

<< H
O
M
E
>>
SITEMAP
84 queries in 0.888 seconds.
  • themousepotato logo for facebook

    want to share something?
    Feel free to mail them to
    mail(dot)themousepotato(at)
    gmail(dot)com
  • SPONSORS



  •