Didn't find what you were looking for? Search here for more!
(Mali ba? Hindi ba ito gusto mo makita? I-type at hanapin dito!)
By The Mouse Potato | March 20, 2009
hehe, hindi ko alam kung tama ba ung pagkaka-translate ko to english ng title ko. Pero naghanap ako sa internet ng pinakamalapit na translation ng kulangot to english at ito nga at booger.
ngayon, bakit ko nga ba naitanong ang bagay na ito?
Kasi naalala ko nung tumira ako sa Davao ng 2 taon. Doon, ang KULANGOT ko ay KULAY BERDE. Samantalang nang bumalik ako dito sa Maynila, nagsimula na naman maging MAITIM ang aking kulangot. Oo, maaring isipin mo na nakakadiri ung binabangit ko. Pero sino ba naman ang hindi nangungulangot. Ito ay isang paraan ng paglilinis ng ating ilong na kung maari ay ginagawa sa isang lugar na pribado at ikaw lng ang nakakakita. Naku naman, wag mo naman gawing hobby ang maglinis ng ilong sa pampublikong lugar, iyon ang nakakadiri.
Mabalik nga tayo sa usapan, bakit nga ba ganun? Isa lng naman ang sagot dyan. Ito ay isang pagpapatunay na sadyang madumi na ang hangin na nilalanghap ng isang MANILEÑO. Isang hangin na puno ng usok, dumi at sari-sari pang polusyon na dulot ng isang urbanisadong kapaligiran at pamumuhay. Nakakalungkot isipin na tayo mismo ang may kasalanan ng ganitong kapabayaan.
Ayoko ng usok! Ayoko! Subalit isa rin akong motorista, at wala akong magawa kundi langhapin araw-araw ang usok na pinaka-ayaw ko. At bukod pa doon, sa dito rin ako nakatira.
Naisip ko tuloy kung mayroon pa ba tayong magagawa? Ang sagot dyan ay meron pa! Simulan nyo sa inyong sariling paraan. Wag ka na manigarilyo, alam kong mahirap pigilan at kalimutan, pero bakit di mo subukan? Kung may sasakyan ka, panatilihing malinis at maayos ng sa gayun at hindi ka tawagin na SMOKE BELCHER o isang sasakyang parang factory ng USOK. Subukan nyo magtanim ng halaman sa ating maliliit na bakuran, ito ay nakakatulong para makabawas sa polusyon.
Marami pang bagay ang pwede mo gawin. Naihatid ko na ang mensahe ko, at sa ngayon ay wala na rin ako maisip pa na suhestyon. Sana makatulong to para maisip mo na minsan, kahit ang kulangot mo ay maaring maging dahilan para mapuna ang ating nasisira nang kapaligiran.
-end-