Didn't find what you were looking for? Search here for more!
(Mali ba? Hindi ba ito gusto mo makita? I-type at hanapin dito!)
By The Mouse Potato | February 13, 2009
Kakaiba ito kaya makinig ka! hehe
Bukas ay Valentines day na naman! Ito ang araw na simula pa ng bata ako ay pinaka aabangan ng mga kababaihan, kalalakihan, kabaklaan at katomboyan. Ito rin ay panahon para magkaroon ng boyfriend, girlfriend, syota, dyowa, junakis, anak, love one, babybear at kung anu-ano pang chuvanes ang tawag mo sa magiging mahal mo maging panandalian lng o pangmatagalan.
Baket ko naman nasabi na dapat ay mag-ingat sa mga putukan at lindol na maaring maganap mamaya hanggang bukas? Aber! isipin mo naman, ang daming mag-nobyo, mag asawa at kung anu-ano pa na pares ng nilalang ang mag-niniig, magtatalik at pupunta sa mga kilalang lugar na maraming motel, hotel at pati na sa damuhan. Hahah.
Maaring ang mga lugar na ito ay sa Sta Mesa, Cubao, Quiapo, Luneta, SM Moa? (haha). Dito sa mga lugar na yan maaaring maging malakas ang pagyanig o kung ating tawagin sa english na “EPICENTER”. hehe. Pwede rin naman sa mga sarili ninyong mga lugar.
Pero kung iisipin mo naman, baket kelangan may itakda pang panahon para mag celebrate ng pag-ibig? Ngayon meron pa tayong kung tawagin ay LAVAPALOOZA na kung saan libo libong katao ang pumupunta para makipag halikan sa kanilang kabiyak sa harapan ng libo lio ring tao at may coverage pa sa TV, radyo at internet! haha san ka pa? Ang pinoy nga naman baliw ano? Sabagay, kung baliw at baliw lng ang pag uusapan, mas baliw ang mga Kano! Sino ba naman pupunta dyan? haha ako? hehe OO! pupunta ako! kasi may VIP ticket ako bigay ng isang kaibigan! haha sino ba gusto sumama at makipaghalikan sa akin hehe
Payo lamang sa mga mag-tatalik bukas, mamaya, oh sa linggo pa! Gumamit po kayo ng proteksyon ng sa gayun ay hindi dumami ng husto ang kapwa naten Filipino! Kasi ba naman! ang isang filipino at isang filipina, pag pinag sama mo sa isang kwarto, abay gagawa agad ng katulad nila! haha. Masyado nang nagiging favorite past-time ng pinoy ang pakikipagtalik o sex. Hay, naku, kung sino pa ang walang trabaho sila pa ang maraming anak. Tignan mo na lng ang mga skwater sa riles at ilalim ng tulay. Aba, hindi ba kayo natatakot kasi di kayo apekatado ng RECESSION? (eh ano ba iho? recess ba kamo? tara kain na! harhar)
Well, kakaiba itong post na ito kasi nga tagalog, bihira ako maglagay ng tagalog na post dito. Eh naisip ko lng naman kasi na mahihirapan ako mag bigay ng kuro kuro ko sa inyo tungkol sa BALENTAYNS kung nag english ako. At isa pa, maraming ng dugo ang dadanak mamaya sa mga hotel at motel. Kaya ayoko na mag nosebleed pa kayo!
Hehe, hanggang sa muli! salamat sa pakikinig!
waaa! boring ka naman eh! :)
| << | Lovapalooza 2009 Red Hot Valentines at SM Mall Of Asia (MOA) |
H O M E |
Funny Jokes: Sales / Call Center / Customer Support Agent Moments | >> |