Didn't find what you were looking for? Search here for more!
(Mali ba? Hindi ba ito gusto mo makita? I-type at hanapin dito!)
By The Mouse Potato | November 18, 2008
Member ka ba ng
B.A.G.S.I.K. (Bagong Alyansa ng mga Ginoong Sinasaktan at Inaapi ng mga Kabiyak)
or
U.H.A.W. (Union of Husbands Afraid of Wives)
eto ang mga hinaing nila!
When you say: “Ako ang tigas sa amin.”
You really mean: “Ako ang tigas-saing ng kanin at tigas-sundo sa eskuwela ng mga bata.”
When you say: “Gagawin ko kahit ayaw ng misis ko.”
You really mean: “Gagawin kong maghugas ng pinggan kung ayaw niya, gagawin kong maglaba kung ayaw niya.”
When you say: “Kapag ako napuno, magyayaya ako ng hiwalay!”
You really mean: “Hiwalay ang puti sa de-kolor at baka kumupas ang labada.”
When you say: “Lahat ng utos ko ay pasigaw.”
You really mean: “Hoy bilisan mo naman iyang kape at giniginaw na ako dito sa labahan!”
When you say: “Ako ang laging nasusunod!”
You really mean: “Oo, dear susunod na ako sa iyo sa simbahan.”
When you say: “Nakukuha ko siya sa isang salita!”
You really mean: “Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!”
When you say: “Inaabot siya sa akin ng mura!”
You really mean: “‘Ling naman, mura lang naman yung sapatos na bibilhin ko!”
When you say: “Nakukuha ko siya sa isang tingin!”
You really mean: “Hon, patingin naman ng periodiko pagkatapos mong basahin.”
When you say: “Kaya ko siyang paluhurin!”
You really mean: “Hinabol ako ng walis at nagtago ako sa ilalim ng kama namin. Paluhod niyang sinabing ‘Hoy lumabas ka riyan at tatamaan ka sa akin!’”
When you say: “Hindi niya ako kayang paglabahin!”
You really mean: “Hindi puede kasi hindi pa ako tapos mamalantsa.”
| << | Funny Story: A Girl and The 69 Position |
H O M E |
Payong Pag-Ibig Galing Kay Bob Ong (Quotes/Sayings) | >> |
| RANDOM STUFF | SIMILAR STUFF |